Grupong PAMALAKAYA, nag-rally sa harap ng Philippine Coast Guard para igiit ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng pagkawala ng 14 na mangingisda sa Occidental Mindoro

Kinalampag ng grupong PAMALAKAYA ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) at ang pamunuan ng kumpanyang may-ari ng lumubog na FV Liberty 5 kung saan 14 na tripulanteng Pinoy ang patuloy na nawawala sa karagatan ng Occidental Mindoro.

Kasabay nito, nag-rally ang ilang miyembro ng grupo sa harap ng tanggapan ng Irma Fishing Corporation sa Malabon.

Isinisigaw nila ang hustisya para sa 14 na mga mangingisda na nawawala pa rin matapos banggain ng MV Vienna Wood noong June 27, 2020 ang kanilang sinasakyang bangka na Liberty 5.


Nais ng grupo na panagutin ng PCG ang pamunuan ng MV Vienna Wood at huwag basta-basta paalisin ang mga tripulante nito hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang mga nawawalang biktima.

Facebook Comments