Grupong Pamalakaya, sinisi ang DA sa hindi epektibong mga hakbang sa mga nauubos na stock ng isda

Kinuwestyon ng isang grupo ng mga mangingisda ang mga hakbangin ng Department of Agriculture (DA) kaugnay sa nauubos na fish stock sa bansa.

Ayon sa grupong Pamalakaya, umano’y epektibo ang mga ipinatutupad na conservation measures ng DA.

Giit ng grupo, ang mga mahihigpit na regulasyon sa malawakang pangingisda at ang taunang deklarasyon ng fishing ban ay naglalagay lalo sa mga maliliit na mangingisda sa isang alanganing sitwasyon.


Paliwanag ng Pamalakaya, habang mga maliliit na mangingisda ang napapasailalim sa mahigpit na mga regulasyon, hindi naman umano masaway ang malalaking commercial fishing vessels na responsable sa pagkaubos ng isda.

Ayon pa sa Pamalakaya, ang mga mapanirang proyekto ng malalaking kumpanya ang dapat sisihin sa nararanasang fish depletion.

Nangako naman ang grupo na tututulan ang posibleng pag-aangkat ng isda bilang tugon sa fishing ban.

Magugunita na noong nakaraang Abril, pinahintulutan ng DA ang pag-import ng 25,000 metrikong toneladang frozen na maliliit na pelagic na isda para sa mga wet market bago ang closed-season na ipapatupad sa huling quarter ng taong ito.

Facebook Comments