Grupong People’s Initiative, nag-rally sa Korte Suprema para isulong ang federal government

Nag-deploy ng mga tauhan ang Manila Police District sa harapan ng Korte Suprema sa Faura, sa Maynila matapos na mag-rally ang grupong Peoples Initiative.

Ayon kay Ferdinand Lagundino, tumatayong lider ng mga demonstrador, nais nilang ipanawagan sa papasok na administrasyong Marcos ang pagsusulong sa pederalismo.

Aniya, nasimulan na itong ikampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga magagandang reporma sa sistema ng pamamahala kaya’t nais nila isulong ito ng papasok na administrasyon.


Umaasa ang grupo na papakinggan ng Korte Suprema ang kanilang panawagan.

Nagbanta rin ang grupo na sakaling wala silang makitang tugon sa Korte Suprema, handa aniya silang magdeklara ng failure of justice

Sa pamamagitan aniya nito, ang mamamayan na ang kikilos para magkaroon ng pagbabago sa ilalim ng Peoples Intiative alinsunod sa umiiral na batas.

Facebook Comments