Nakapagsagip na ang People for the Ethical Treatment of Animals ng tinatayang nasa isandaan at tatlumpu’t dalawang hayop sa Taal Volcano Island.
Ito ay kahit pa off limits na sa tao ang volcano island ng Taal bunsod ng nagpapatuloy pa ring pag-aalburuto ng bulkan mula pa noong Enero a-dose.
Ayon sa grupo, may mga nasasagip pa silang buhay na mga hayop tulad ng kabayo, baka, aso at itik sa isla bagama’t marami sa mga ito ay nangamatay na at ang iba ay tila nabubulok na sa isla.
kabilang sa mga pinakahuling nasagip ang isang aso na pinangalanan nilang si palakitik na madalas sumalubong sa mga volunteer ng peta sa tuwing magsasagawa sila ng mga aktibidad sa isla.
Kasunod nito, nag-iwan din ang grupo ng nasa isandaan at limampung kilo ng pagkain para sa mga nasagip nang hayop at kasalukuyang nasa evacuation zone sa labas ng 14 kilometer radius danger zone.
Dahil dito, patuloy na nananawagan ang peta sa publiko na nais magdonate ng mga pakain sa hayop at iba pang mga pangangailangan nito na kung maaari ay ideposito lamang sa kanilang metrobank account name: peta asia-pacific limited account number: 007-066-31632-3