Lalaking miyembro ng Local Terrorist Group patay sa operasyon ng militar sa Lanao del Sur

79

Isang lalaki na miyembro ng Local Terrorist Group ang napatay ng Army 82nd Infantry Batallion sa nangyaring sagupaan sa boundary ng bayan ng Balindong at Piagapo sa Lanao Del Sur kahapon.

Ayon kay 1st Infantry Division Spokesperson Captain Clint Antipala ang nasawing terorista ay kinilalang si Jarir Usman 28 anyos residente ng Brgy Raya Saduc Marawi City sa Lanao Del Sur.


Nakilala ang terorista nang makuha ng mga sundalo ang Identification card na ito matapos ang 15 minutong sagupaan.

Nakuha sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang m16 rifle, apat na improvised explosive devices, dalawang kilo na explosive components, isang magazine ng M16, isang cellphone at mga mahahalagang dokumento ng local terrorist group.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatang sundalo  sa naganap na sagupaan.

Facebook Comments