Nagpapatuloy ang kilos-protesta ng grupong PISTON sa anim na lugar sa Metro Manila.
Ayon sa presidente ng PISTON na si Ka Mody Floranda, ginawa ito upang ipanawagan na suspindihin ang excise tax at pagbasura sa oil deregulation law.
Dinala na nila sa kalye ang kanilang hinanaing dahil wala umanong nakikipag-usap sa kanila tungkol sa kanilang krisis na kinakaharap.
Sa kabila ng maraming lugar na ikinasa ang kilos-protesta, tiniyak ng grupong PISTON na tuloy-tuloy ang transportasyon kung saan ay may masasakyan pa rin ang mga pasahero.
Sa ngayon, hindi pa nila nakikita ang masakit na hakbang na tigil-pasada para pansinin lang ng gobyerno
Umaasa sila sa maikling buwan na maninilbihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mabibigyan ng kasagutan ang problema nila sa maliit na kinikita at mataas na presyo ng krudo.