SSS, nagpaalala sa mga delinquent employer sa pag-avail ng Contribution Penalty Condonation Program

67

Nagpaalala ang Social Security System (SSS) sa mga delinquent employer na hanggang Mayo 19 na lang ang deadline para sa aplikasyon ng Pandemic Relief and Restructuring Program 2 (PRRP 2).

Hinihikayat ni SSS President at CEO Michael Regino ang mga employer na mag-avail ng PRRP 2 nang maaga upang maiwasan ang abala sa huling minutong pag-file.

Inilunsad noong Nobyembre 19 ang PRRP2 na sumasaklaw sa past-due social security contributions para sa buwan ng Marso hanggang kasalukuyan.


Sabi pa ni Regino, maaari nilang bayaran ng buo ang kanilang delinquencies o hindi kaya sa pamamagitan ng installment payments.

Facebook Comments