Sumugod sa Korte Suprema ang mga tsuper at operator ng jeepney na miyembro at kaalyado ng grupong PISTON.
Ito ay para igiit ang pagpapalabas ng TRO o temporary restraining order sa PUV Modernization Program na una na nilang hiniling.
Giit ni Bong Baylon ng PISTON na hindi sila papayag na pasukin at kontrolin ng mga korporasyon ang pampublikong transportasyon.
Nanindigan rin sila na dapat manatili sa mga operator at mga nagmamay-ari ng sasakyan ang prangkisa.
Hamon nila sa Korte Suprema, panigan nila ang mamamayan lalo na’t nalalapit na ang April 30 deadline.
Kasabay nito, nagmatigas ang grupo sa balak nila na magpatuloy pumasada kahit lumagpas na ang palugit ng gobyerno.
Facebook Comments