Grupong Riles Network, kumbinsido na sinabotahe ang MRT3 nang kumalas ang isang bagon nito

Manila, Philippines – Naniniwala ang Riles Network na may pananabotaheng nangyari sa pagkalas kamakailan ng isang bagon ng MRT3.

Ayon kay Sammy Malunes, Spokesperson ng Riles Network, mahalaga sa maintenance o safety ng tren na masuri ang coupling sa mga bagon bago ito iakyat para sa commercial na serbisyo.
Hindi rin aniya gagana ang power signal kung may problema sa coupling kung kayat sa tingin nila any may deliberate na pananabotahe na nangyari nang makalas ang bagon.

Idinagdag ni Malunes na may natitira pang tao ang Busan Universal Rail Inc. o BuRi sa MRT3 kahit na na terminate ang kontrata nito. At malamang na ang mga tao na ito ay loyal pa sa Buri.


Aniya, ang BURI ay nasa hot seat sa ngayon dahil sa hindi maipaliwanag na pagbili ng spare parts dahil sa hindi maipakitang origin o pinagbilhan ng mga ito.

Hindi malayo na ang motibasyon sa sa pagkalas ng bagon ay may layuning sirain ang imahe ng DOtr sa pag ako nito sa responsibilidad na patakbuhin ang operasyon ng MRT3.

Kung sino ang tao na nakialam o kumuha sa black box ay dapat maging sentro ng imbestigasyon at dapat ang imbestigasyon ay buuin din ng mga technical na mga imbestigador.

Facebook Comments