Grupong Rise Up Philippines, muling dudulog sa United Nations

Manila, Philippines – Muling dudulog ang grupong Rise Up Philippines sa United Nations dahil sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.
 
Sa interview ng RMN kay Brother Nardy Sabino, Secretary General ng grupo – ito na ang ikalawang pagkakataon na lalapit sila sa UN.
 
Taong 2012 ng una silang magbigay ng report sa UN dahil sa kawalan ng aksyon ng nagdaang administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino na resolbahin ang patuloy na paglabag sa karapatang pantao.
                                                                                                                                              
Sa pagkakataong ito ay ilalapit na din nila ang kasalukuyang nangyayari sa Duterte administration kung saan mas naging talamak ang patayan sa bansa.
 
Giit ng grupo, hanggang sa ngayon walang pagbabago sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa at patuloy na namamayani ang impunity o kawalan ng pananagutan.


Facebook Comments