Grupong SINAG, haharangin ang plano ng DA na mag-import ng fish feed materials mula sa mga bansang apektado ng ASF

Dismayado ang Samahang Industriya ng Agrikultura sa pagkaka- apruba ng Department of Agriculture sa pag-import ng isang aqua-culture company ng mga fish feed materials mula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sa isang pahayag, sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So na nagtataka siya kung bakit nakalusot ang DA memorandum order 59 dahil ipinagbawal na o banned ang importasyon ng processed porcine o pork meal para sa animal feed mula sa mga bansang may ASF.

Ayon kay So, patunay ito na may mga lobby groups pa rin sa loob ng DA, na hindi isinasaalang-alang ang sitwasyon ng livestock industry na pinadapa ng ASF.


Nakakalungkot aniya na sa kabila ng paghawak na mismo ng pangulo sa kagawaran ay nakakalusot pa rin ang naturang memo.

Nangako ang grupo na haharangin nila ang naturang importasyon ng banned fish materials.

Tiniyak ng SINAG na aapela sila kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. upang bawiin ang kautusan.

Facebook Comments