Grupong SINAG, nagbigay ng rekomendasyon sa DA sa harap ng paglala ng ASF

Nagrekomenda ng ilang hakbang ang grupong Samahan ng Industriyang Agrikulutura (SINAG) upang paghandaan ang malaking epekto ng paglala ng African Swine Fever (ASF) sa magiging suplay ng ng baboy sa Metro Manila at buong Luzon hanggang sa buwan ng Disyembre.

Kabilang dito ang pagbili ng mga baboy sa Visayas at Mindanao na pwedeng dalhin sa Maynila para may dagdag na suplay ng karneng baboy.

Una nang kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na pumalo na sa 23 mga probinsya sa bansa ang apektado ngayon ng ASF.


Libu-libong mga baboy ang tinamaan ng ASF na kinailangan isailalim sa sapilitang pagpatay upang hindi makahawa sa iba pang alagang baboy.

Nagsagawa na ang DA ng misting sa mga piggery na may malalang kaso ng ASF.

Agad magbibigay ng ayudang pinansyal ang ahensya para sa mga may-ari ng baboy na namatay dahil sa ASF.

Facebook Comments