Manila, Philippines – Umalma ang Labors Union ng Department of Environment and Natural Resources o DENR dahil sa maling pahayag ng grupong Greenpeace na sumusuporta kay Gina Lopez.
Ayon sa ilang empleyado ng DENR hindi sila naabisuhan ng environment group sa kanilang pagkilos, at taliwas ito sa sinasabi na ng Greenpeace na makikisali ang labors union ng DENR para suportahan si Lopez at malabanin ang malalaking minahan.
Dagdag pa ng mga taga-DENR, hindi sila papayag na maapektuhan ang kanilang trabaho.
Kung maalala, tinali ng grupong Greenpeace ang mga sarili kanina sa gate ng DENR para hindi na makapagtransaksyon ang mga malalaking minahan at umapela ang grupo na ibalik sa Lopez sa ahensya.
Kanina lumabas ang ilang empleyado ng DENR para paalisin ang mga nagkikilos protesta at namagitan naman dito si General Guillermo Eleazar ang district director ng QCDP para maiwasan ang marahas na pagtatalo.
DZXL558