Nagtatag ng Technical Working Group (TWG) ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na siyang tututok sa bagong variant ng COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, magiging trabaho ng TWG na i-monitor at determinahin kung may nakapasok ng bagong strain ng COVID-19 sa bansa.
Lilikha rin ang TWG ng policy recommendation sa IATF partikular sa kung anong magiging tugon ng gobyerno sa bagong variant ng Coronavirus.
Magsisilbing chair ng TWG si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire habang Co-Chair naman si Executive Director Jaime Montoya ng Philippine Council for Health Research and Development.
Magiging kabahagi bilang miyembro ng TWG ang ilan pang mga eksperto mula sa DOH, RITM, University of the Philippines (UP) National Institutes of Health at UP-Philippine Genome Center.