General Santos City— Tumanggap na 40 na M16 Rifle ang General Santos City Police Office mula sa 200 na M16 at isang snifer rifle na ibinigay ng National Headqurters.
Pinangunahan naman ni Police Senior Superintendent Romeo Ruel Berango, OIC City Director sa GSCPO ang pagbibigay nito sa CPSC sa loob ng Camp Fermin G. Lira na pinamumunuan ni Police Chief Inspector Jovanni Ladeo.
Ayon kay Col. Berango na ang bagong mga rifle ang galing sa China na una ng ipinangako ni Presidente Rodrigo Duterte nga may ibibigay na tulog ang China sa bansa lalo na sa usaping pagpapalakas ng pwersa kapulisan ang kasundaluhan.
Pinasalamatan naman nito ang nasyunal na ahensya sa pagbibigay pansin sa mga kagamitan ng pambansang pulisya.
Maliban sa GSCPO ay nakatanggap din ng bagong 7.62 mm Sniper Rifle (DRAGUNOV) ang Regional Public Safety Battalion 12 samatalang nakatranggap ng 29 na M16 ang South Cotabato PPSC, Sultan Kudarat PPSC na nasa 25 na unit, Sarangani PPSC (40) at ang Cotabato PPSC(26).
Samantalang talong reloader machines ang natanggap ng Kidapawan City Police Station, Tacurong City Police Station at Koronadal City Police Station.
Nasa 72, 000 rounds naman ng bala ang kasama ang 200 unit na M16 rifles, 400 na magazines at 440 rounds para sa tatlong magazine ng Sniper Rifle.
Masaya ring ibinalita ni Col. Berango sa mga iyembro ng kapulisan sa GSCPO na maliban sa mga bagong armas, ay may pangako ring binitiwan ni GenSan City Mayor Roonel Rivera nga magbibigay ng patrol car sa lahat ng mga Police Station sa syudad na magiginbg malaking tulog sa mga operasyon ng mga pulis lalo na sa pagpapanatili ng peace and order ng lungsod.