GSIS, binigyang-pagkilala ng Malakanyang matapos ang naitala nitong 100% resolution rate

37

Kinilala ng Malakanyang ang Government Service Insurance System (GSIS) dahil sa pagresolba nito ng mga apela o reklamo ng mga kliyente sa loob ng 72 na oras.

Batay sa 8888 Citizen’s Complaint Center sa ilalim ng Office of the President, aabot sa 188 na apela ng mga kliyente mula Enero 1 hanggang Pebrero 28 ang nasolusyunan.


Ito na ang ikalawang pagkilalang natanggap ng GSIS simula nang mag-umpisa ang 8888 Citizen’s Complaint Center noong 2016.

Unang naisagawa ang 100% resolution rate noong 2020 kung saan nabigyan ng aksiyon ang 1,510 na reklamo ng mga kliyente.

Facebook Comments