Simula ngayong araw ay bukas na ang Multi-Purpose Loan (MPL) plus program ng Government Service Insurance System (GSIS) na kung saan nag-aalok ng pautang ng hanggang P5-milyon mula sa P3-milyon.
Ang naturang programa ay pinalawig din ang haba ng pagbabayad na hanggang sa 10 taon na mula sa 7 taon at pinaluwag din ang mga requirements para sa magiging kwalipikado.
Sa ilalim ng MPL Plus, ang aktwal na halaga ay magdedepende sa mga binabayarang premium at buwanang suweldo ng mga manghihiram.
Bukod dito, niluwag din ng GSIS ang mga kundisyon sa pagiging kwalipikado ng mga aplikante.
Kung saan, papayagan na rin ang mga miyembrong may atraso sa kanilang GSIS Financial Assistance Loan (GFAL) at housing loan na mag-avail ng pautang.
Pero, ang kanilang mga atraso sa ilalim ng GFAL ay ibabawas sa mga nalikom sa kanilang utang.
Maaaring mag-apply ang mga miyembro para sa loan sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app, GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk, e-mail, electronic GSIS Member Online o mga drop box na matatagpuan sa lahat ng opisina ng GSIS.
Para sa iba pang detalye sa MPL Plus, maaaring bumisita ang mga interesadong borrowers sa GSIS website na www.gsis.gov.ph o GSIS Facebook account.
Pwede rin mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747, (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa mga subscriber ng Globe at TM) o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun at mga subscriber ng Talk ‘N Text).