Zeinab Harake, sinagot na patutsada ang isang kapwa vlogger

73

Binasag na ng vlogger na si Zeinab Harake ang kaniyang katahimikan sa mga patutsada ng isang kapwa vlogger na si Mark Jayson Warnakulahewa patungkol sa kaniya pati sa ama ng anak niyang si Skusta Clee.

Kung saan, nagpost si Mark ng 16-minute video sa YouTube na 70 percent daw ng nangyayari kina Zeinab at Skusta Clee ay scripted lamang dahil trabaho nila ito bilang vlogger at tiyak daw na magkakaayos rin ang dalawa sa huli para mabuo ang kanilang pamilya lalo na at may anak na silang dalawa.

Ayon kay Zeinab, sana nga prank or scripted na lang para di masakit sa kaniya na halos ikamatay na niya.


Say pa ni Zeinab, hindi raw siya tulad ng ibang vloggers na gumagawa ng content na scripted para lang may pagkakitaan.

Samantala, pinabulaanan din ni Zeinab ang isyu na siya ang nagloko sa kanilang relasyon dahil kilala daw niya ito at mas lamang pa rin na si Skusta ang magloko sa dalawa tulad noon.

Dagdag pa ng vlogger, bagamat batid niyang talagang nagbago ang rapper simula nang dumating sa kanilang buhay si Baby Bia ay naniniwala siyang may epekto pa rin ang mundong ginagalawan ng rapper sa nangyayari.



Facebook Comments