Sinimulan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang bago nilang loan program para sa borrowers nito.
Ito ay ang GSIS Multipurpose Loan (GSIS-MPL) na makakatulong para makakuha ng additional credit line ang mga borrower kung saan maco-consolidate at mababayaran din nito ang naiwang loan balance ng mga borrower.
Dahil dito, tuluyan nang mawawala ang enhance conso-loan plus at ang mga miyembro na nag-apply dito na hindi pa naaprubahan ng agency authorized officers mula noong September 30, 2020 ay inaabisuhang mag-apply sa GSIS-MPL.
Sa ilalim ng GSIS-MPL, ang mga borrower ay maaaring mag-apply ng 14 na beses ng kanilang buwang sahod pero hindi dapat lalagpas ng P3 million at ang mga first time na mag-aavail nito ay maaaring ma-enjoy ang waived surcharges mula sa kasalukuyan nilang loan balance.
Ayon naman kay GSIS President at General Manager Rolando Ledesma Macasaet, ang MPL ay isang paraan para mapigilan ang paglobo ng mga penalty ng isang miyembro kung saan halos maubos na ang kanilang retirement at iba pang benefits para mabayaran lamang ito.
Para naman sa iba pang detalye hinggil sa GSIS-MPL, maaaring bisitaihn ang website ng GSIS na http://www.gsis.gov.ph o kaya ay tumawag sa contact center na 8-847-4747.