GSIS, may dagdag na ₱1,000 na pensyon

Makakatanggap ng dagdag na ₱1,000 sa pensyon ang mga retirado at Persons with Disability (PWDS) mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon kay GSIS President Jesus Clint Aranas, target nilang mailabas sa susunod na buwan hanggang marso ang resolusyong magtataas sa minimum basic pension sa ₱6,000 mula ₱5,000.

Kahit may dagdag sa pensiyon, hindi aniya tataasan ng GSIS ang kontribusyong hinihingi nito sa mga miyembro.


Gayunman, sabi ni Aranas, kung lulusot sa kongreso ang isang panukalang layong ibaba ang retirement age sa 60 mula 65, posible umanong umikli ang buhay ng pondo ng GSIS ng 15 taon.

Facebook Comments