Amerikanong lider ng notorious pyramiding scam, arestado

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying American national na itinuturong lider ng notorious pyramiding scam syndicate sa ilang lugar sa Mindanao.

Nabatid na marami nang na biktima sa Davao at ilang bahagi ng Mindanao si James Edward Booyer III, 36 taong gulang.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), mismong si Davao City Mayor Sara Duterte na ang nag-utos sa kanila na maglabas ng mission order para sa pag-aresto kay Booyer.


Modus daw ng grupo ang manghingi ng tatlong daang pisong membership fee sa mga biktima at pinangangakuan silang makakapag-avail ng 50-thousand pesos na halaga ng groceries.

Ilan din sa mga miyembro ng katutubong Lumad ang hiningian ng pera ng grupo ni Booyer kapalit daw ng pag-explore ng mineral deposits sa kanilang mga lupain.

Ang grupo ni Booyer ay nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ng Davao City Government.

Facebook Comments