Guam, naglabas ng emergency guidelines sa posibleng nuclear attack

Naglabas na emergency guidelines ang Guam bilang paghahanda ng mga residente sa anumang posibleng nuclear attack na gawin ng North Korea.

Batay sa isang news agency sa Pyongyang – maglulunsad sila ng apat na intermediate range missiles na dadaan sa Japan at babagsak sa Guam sa kalagitnaan ng Agosto.

Paalala ng pamahalaan ng Guam sa mga tao, huwag direktang tumingin sa flash o fireball dahil ito ay nakakabulag, at na magtago sa anumang maaring magbigay sa kanila ng proteksyon.


Kapag naman na-tiyempuhang nasa labas sila kapag nangyari ito, pinayuhan ang lahat na hubarin ang damit upang maiwasang kumalat ang radioactive material.

Pinayuhan rin nila ang mga residente na mas maiging maghanda ng emergency plan at supply kits.

Tinatayang nasa 163,000 ang kabuuang populasyon ng Guam, na kinalalagyan rin ng isang US military base.

Facebook Comments