Pagpasok umano ng reinforcements ng Maute group sa Marawi, kinukumpirma pa ng Militar

46

Patuloy pa ring bineberipika ng Joint Task Force Marawi ang ulat na nakapasok umano ang reinforcements ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay JTF Spokesperson, Capt. Jo-An Petinglay – nasa sampung miyembro raw ng terorista ang dumagdag sa kasalukuyan nilang pwersa sa main battle area.

Kapag napatunayan aniya na may nakapasok na reinforcement sa kalaban, tatagal pa ang bakbakan.

Dahil dito, kinausap na ng militar ang mga mayor ng Lanao del Sur lalo na ang mga coastal areas na may mga bangkang hindi malayong gamitin ng mga terorista.

Facebook Comments