Guanzon, nagbantang papangalanan ang mga kandidato na tatangging pumirma sa pledge of candidates

1772

Manila, Philippines – Hindi pipilitin ng COMELEC na lumagda sa pledge of candidates ang mga kandidatong hindi sang-ayon dito.

Gayunman, Nagbanta si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na papangalanan niya ang mga pulitikong tumatangging pumirma sa “COMELEC Pledge of candidates.”


Partikular dito ang nakalagay sa integrity pledge na “we shall not tolerate any form of violence against women in politics”

Ayon kay Guanzon, siya ang gumawa ng nasabing pledge at ipinasa ng Commission En Banc ang pondo para dito.

Nakasaad din sa integrity pledge na nangangako ang mga kandidato na susunod sila sa itinatadhana ng Konstitusyon at itataguyod nila ang maayos, malinis at mapayapang halalan.

Facebook Comments

From Advertisers