Patuloy ang paghina ng pwersa ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), 23 na lang natitirang guerrilla fronts ng CPP.
Ito ay mula sa 89 na guerilla fronts na naiatala noong 2016.
Paliwanag ni Aguilar, sa 23 guerilla fronts, 5 dito ang may kakayahan na magsulong ng programa ng grupo habang ang 18 iba pa ay mahina na.
Aniya, sa ngayon ay may breakdown na ang linya ng komunikasyon ng CPP Central Committee at kanilang subordinate organs at armed group tulad ng New People’s Army (NPA) bunsod na rin ng pagkamatay ng kanilang lider at founder na si Jose Maria Sison.
Samantala, sinabi naman ni Aguilar na sa nakalipas na 54 taon na pagkakatatag ng CPP, bigo pa rin sila sa kanilang layunin na patalsikin ang gobyerno at baguhin ang political system ng bansa.