Ilang kalsada, di pa rin madaanan bunsod nang nagdaang sama ng panahon

Umaabot sa 14 na mga kalsada mula sa Region 5 ang nananatiling unpassable sa mga motorista.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang Brgy. Biliran spillway sa Sorsogon na di maaaring daanan ng mga light vehicles.

Ganundin ang ilang kalsada sa Brgy. Pilar at Bulan, Sorsogon.


Sa ngayon, may mga tauhan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagtutulong-tulong para ma-clear ang mga daan mula sa debris at guho ng lupa.

Samantala, nasa 113 mga kabahayan ang naiulat na partially damaged mula sa Regions 8, 10 at BARMM.

Nasa 34 naman ang naitalang totally damaged mula sa Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Marinduque, Romblon, at Palawan (MIMAROPA), Regions 8, 10 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Facebook Comments