Guerilla fronts ng NPA, lagas na

Lima na lamang ang natitira mula sa 89 na Guerilla fronts ng New People’s Army (NPA).

Ito ang kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge Sr. Undersecretary Jose Faustino Jr.

Ayon kay Faustino, ito na lamang ang natira matapos na mabuwag ng militar ang 75 porsyento ng mga naka-engkwentro nilang NPA guerilla fronts at local terrorist groups.


Sinabi pa nito na mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 26 ng taong kasalukuyan, 10,608 regular NPA members ang nanutralisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at 41,000 underground members, supporters at sympathizers ang nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Habang 4,644 miyembro ng iba pang local terrorist groups ang nanutralisa sa loob ng nabanggit na panahon.

Iginiit pa nito na tuluyan na ring sumikip ang mundo ng NPA sa pagdedeklara sa kanila bilang persona-non grata sa 1,386 siyudad at munisipyo at 31,254 barangay sa buong bansa.

Facebook Comments