Guidelines mula sa LTFRB para sa pagbabalik-pasada ng mga traditional jeepneys, hinihintay pa rin ng mga Transport Group

Inamin ni Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators (PISTON) National President Mody Floranda na hinihintay pa rin nila ang guidelines galing sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), para sa pagbabalik-pasada ng mga traditional jeepney sa Biyernes (July 3, 2020).

Ayon kay Floranda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung ano ang kanilang magiging ruta sakaling magbalik sila sa operasyon.

Hindi rin aniya nagkaroon ng public hearing o konsultasyon nang ibigay ng LTFRB ang kanilang orihinal na ruta sa mga modernized jeep.


Tiniyak naman ni Floranda na nasa maayos na kondisyon at road worthy pa rin ang kanilang mga tradisyunal jeepney at nakahanda ring sumunod sa mga health protocols.

Kasabay nito, nagpahayag ng pagtutol si Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) Executive Director Alex Yague na ilipat sa kaliwang bahagi ng bus ang mga pinto nito habang pumapasada sa EDSA.

Ayon kay Yague, hindi basta-basta at magastos ang planong ito ng gobyerno, dahil kailangan pa itong ipasadya sa ibang bansa.

Facebook Comments