Guidelines para sa balik manggagawa program sa Iraq, ilalabas ngayong buwan

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang implementing guidelines para sa Selective Balik-Manggagawa Program sa Iraq bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Ito ang kinumpirma ngayon ni Foreign Affairs Assistant Secretary Elmer Cato.

Sinabi ni Cato minamadali na ng POEA ang paglalabas ng naturang panuntunan nang sa ganon ay makapiling ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang kanilang pamilya ngayong Pasko.


Paliwanag ng opisyal, noon pa mang 2016 isinusulong na ng Philippine Embassy sa Baghdad ang exemption ng mga OFWs na nasa Iran sa deployment ban at hayaan ang mga ito na makauwi at makabalik pa sa kani-kanilang trabaho.

Sa ngayon inaantabayanan na lamang ng Embahada sa Baghdad ang Implementing Rules and Guidelines para maisakatuparan ang nasabing programa.

Sa datos ng DFA mayroong tinatayang 4,000 OFWs sa Iraq ang hindi na nakabalik ng Pilipinas magmula noong 2014 makaraang itaas ng Iraqi Government sa Crisis Alert Level IV o pagpapatupad ng mandatory repatriation dahil sa lumalalang insurgency sa nasabing bansa dulot ng pananakop ng teroristang grupong ISIS.

Facebook Comments