Guidelines para sa mga digital banks, inilabas na ng BSP!

Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang guidelines para sa mga digital banks sa bansa.

Batay sa BSP Circular No. 1105 na nilagdaan ni BSP Governor Benjamin Diokno, ang digital bank ay ituturing na isang institusyon na nagbibigay ng financial products at services sa pamamagitan ng digital at electronic channels na hindi kinakailangan ng mga physical branches.

Sa nasabing guidelines, papayagan ang mga digital bank na tumanggap at mag-grant ng loans, savings, time deposits at foreign currency deposits, mag-invest, magpalabas ng e-money products at credit cards, magbenta ng micro-insurance at marami pang iba.


Facebook Comments