Friday, April 10, 2026

Guidelines para sa P10 kada litro na fuel subsidy sa mga PUV, ilalabas ngayong araw

PHOTO COURTESY: TED ALJIBE

Ilalabas na ng pamahalaan ngayong araw ang guidelines sa pagbibigay ng P10 kada litro na subsidy sa mga driver ng mga pampublikong sasakyan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) Board Chairman Atty. Vigor Mendoza II na nakahanda na ang pondo na ilalaan dito.

Saklaw aniya ng P10 per liter na fuel subsidy ang mahigit 142,000 na jeep at UV express na bumibiyahe sa buong bansa.

Ayon kay Mendoza, aabot sa 14,000 gasolinahan sa bansa ang lalahok sa pagbibigay ng subsidiya.

Layon ng programa na matulungan ang kapwa tsuper at pasahero na maibsan ang pasanin ngayong nananatiling mataas ang presyo ng petrolyo.

Pagdating naman sa mga PUV na kasama sa service contracting program ng pamahalaan, tiniyak ng LTFRB na hindi aabutin ng siyam-siyam bago mabayaran ang mga operator.

Maglalabas din ang LTFRB ng bagong fare matrix para sa 20 percent na discount sa lahat bukod pa sa kasalukuyang diskwento sa mga senior citizen, persons with disabilities at mga estudyante.

Facebook Comments