Inaasahang ilalabas na ngayong linggo ng National Task Force Against COVID-19 ang guidelines para sa pagbabakuna sa economic frontliners o ang mga nasa A4 priority group.
Ito ay upang makamit ng bansa ang herd immunity sa katapusan ng taon.
Ayon kay NTF Deputy Chief Implementer Vince Dizon, ang immunization ng essential workers partikular na sa Metro Manila at walo pang lugar ay maaring magsimula na sa Hunyo sa oras na mailabas na ang guidelines.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na sisimulan nila pagtapos ng Mayo ang pagbabakuna sa A4 at A5 sa oras na maayos na ang suplay ng bakuna.
Facebook Comments