Hinihintay pa ng National Task Force Against COVID-19 ang ilalabas na guidelines para sa pagpapatupad ng granular lockdown sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay NTF Against COVID-19 Spokesperson Retired Major General Restituto Padilla, maaaring malinaw sa guidelines ang batayan sa mga lugar na isasailalim sa granular lockdown.
Aniya, layon ng pagpapatupad ng granular lockdown na matulungang umusad ang lokal na ekonomiya ng mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Sabi pa ni Padilla, maituturing ding “process of transitioning” ang granular lockdown patungong new normal.
Kasama rin aniya sa pinag-aaralan ng pamahalaan ang panuntunang magbibigay daan sa dahang-dahang pagbubukas ng iba pang negosyo gayundin ang mass gathering pero magiging limitado lamang.