Guidelines para sa pagpapatupad ng MECQ, sisimulan nang ipatupad ng PNP

Nagpulong na ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) para maging maayos ang pagpapatupad ng mga guidelines ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus bubble.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, batay sa natalakay sa pagpupulong ay mananatiling mahigpit sa buong NCR at mga karatig lalawigan na nasa MECQ.

Pero 100% nang papayagang lumabas ang essential travelers at 50% naman ay mga non-essential workers o travelers.


Tutulong pa rin aniya ang PNP sa pagpapatupad ng curfew.

Babantayan din ng mga pulis ang mga mall at iba pang tindahan na pinapayagan nang mag-operate pero para lamang sa essential.

Tiniyak din ni Usana na walang mangyayaring pag-aresto sa mga mahuhuling quarantine violators, tanging warning at multa lamang aniya ng magiging parusa.

Facebook Comments