Guidelines para sa pagsasagawa ng community pantries, ilalabas ng QC LGU at CESU

Maglalabas na ng guidelines ang lokal na pamahalaan ng Quezon at ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) nito para sa mga lokal na opisyal na magsasagawa ng community pantry sa lungsod.

Kasunod ito ng pagdumog ng 6,000 indibidwal sa naganap na food distribution event sa Barangay Old Balara ng isang konsehal sa lungsod kung saan hindi na nasunod ang minimum health protocols.

Ayon kay CESU Head Dr. Rolly Cruz, layunin ng ilalabas na guidelines na matiyak na masusunod ang mga protocols sa bigayan ng ayuda.


Habang kasama na rin dito ang pagkakaroon ng listahan at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan maging sa barangay bago ang isasagawang aktibidad.

Facebook Comments