Guidelines para sa Task Force kontra Fake News, bubuuin pa ng COMELEC

68

Nakatakdang magpulong sa Lunes, April 11 ang Commission on Election (COMELEC) Task Force kontra fake news.

Sa interview ng RMN DZXL Manila, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na bubuun nila ang guidelines na pipigil sa pagkalat ng mga disinformation kaugnay sa integridad ng gaganaping halalan.

Aniya, patunay ang task force na ito na seryoso ang COMELEC sa pagsugpo ng mga fake news at panagutin ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon para sirain ang kredibilidad ng electoral process.


Kasabay nito, nanawagan si Garcia sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng fake news at maniwala lamang sa mga katiwa-tiwalang sources.

Facebook Comments