Lacson, haharap sa Pandesal Forum ngayong Araw ng Kagitingan

29

Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kagitingan, haharap si presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Pandesal Forum kasama si Wilson Lee Flores mamayang alas-10:00 ng umaga.

Asahang ng tatalakayin ni Lacson dito ang Philippine socio-economic at election issues

Alas-3:00 naman ng hapon ay magtitipun-tipon ang supporters ni Lacson sa Quezon City Memorial Circle.


Bukas naman, April 10, bibisitahin ni Lacson ang Metro Bataan Development Authority Provincial Command Center sa Orani, Bataan.

Si Lacson ay sasalubungin ni Bataan Police Dir. Col. Rommel Velasco at Pilar Mayor Charlie Pizarro.

Sunod naman itong mag-co-courtesy call sa gobernador ng Bataan at didiretso sa Capitol Events Place aka The Bunker sa Balanga para sa isang dayalogo sa mga lokal na opisyal doon.



Facebook Comments