Maaari nang mag-apply ang mga displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) ng unemployment insurance sa Social Security System (SSS).
Ito ay matapos maglabas ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng guidelines para sa paglalabas ng naturang ceritifacation.
Ayon sa POEA, ang certification ay requirement para makapag-apply para sa involuntary separation benefit.
Ang lahat ng kwalipikadong OFWs ay maaaring maghain ng kanilang application for certification sa POEA Central Office at sa anumang POEA office at One-Stop Service Center para sa mga OFWs (OSSCO).
Ang POEA Welfare and Employment Office ang magsisilbing central coordinating, monitoring at supervising unit para sa pag-iisyu ng certification.
Ang mga aplikante ay kailangang magdala ng isang valid ID at kopya ng notice of termination na inisyu ng employer.
Maaari ding tanggapin ang notarized affidavit of termination of employment.
Ang mga OFW ay hindi dapat lalagpas sa 60-years old at nakapagbayad ng hanggang 36 na buwang kontribusyon sa SSS para maging kwalipikado sa certification.
Ang guidelines ng DOLE ay nakalinya sa DOLE Circular No. 1, Series of 2019 at naaayon sa Social Security Act of 2018.
Ang mga application forms para sa mga kwalipikadong OFWs ay maaaring ma-access ang POEA website sa ilalim ng Memorandum Circulars.