Guidelines sa A4 Group na magpapabakuna ng COVID-19 vaccine, binubuo na

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa nasisimulan ang pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa A4 Group.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy pang binubuo ng kagawaran katuwang ang Interim National Immunization Technical Advisory (iNITAG) at ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang guidelines para sa pagbabakuna ng mga kabilang sa A4 Group.

Aniya, nananatiling nasa A1 hanggang A3 Group ang vaccination rollout sa ngayon.


Nabatid na kasama sa A4 Group ang mas maraming manggagawa mula sa iba’t ibang essential industries tulad ng media, mga teaching at non-teaching personnel, food, beverage, pharmaceutical, at transportation.

Facebook Comments