Ipinanawagan ng grupong Laban Konsyumer na maglabas ang pamahalaan ng patakaran para magamit ng mga senior citizen at Persons with Disability (PWD) ang kanilang discounts sa online transactions.
Nabatid na sa ilalim ng batas, may discount na 20% at may exemption sa 12% value added tax (VAT) ang mga senior at PWD.
Ayon sa grupo, malaking tulong ito sa kanilang gastusin pero hindi naman nila ma-claim ang mga discount sa mga online transcaction.
Dahil dito, hinihikayat ng Laban Konsyumer ang gobyerno na maglabas ng malinaw na guidelines para mapakinabangan ito ng mga PWD at senior citizen.
Una mang sumulat ang grupo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin sa National Council on Disability Affairs para maaksyunan ang nasabing isyu.
Suporta naman ng Federation of Senior Citizens Associations of the Philippines ang mungkahi ng Laban Konsyumer para na rin ito sa kanilang kapakanan lalo na’t nasa gitna ang bansa ng COVID-19 pandemic.