Cauayan City – Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng panuntunan para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) conditional cash grant sa ilalim ng 4Ps.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas ang pamumuhay ng mahihirap at labanan ang kagutuman.
Layunin ng F1KD cash grant na mapabuti ang nutrisyon at kalusugan ng mga benepisyaryo, partikular ng mga buntis at ina ng mga batang 0-2 taong gulang, upang maiwasan ang malnutrisyon at stunting.
Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 1 series of 2025, makatatanggap ng buwanang P350 health grant ang mga kwalipikadong miyembro ng 4Ps batay sa pagsunod nila sa mga serbisyong pangkalusugan gaya ng prenatal check-up, bakuna, at micronutrient supplements.
Ang implementasyon ng cash grant ay magsisimula ngayong Enero.