Manila, Philippines – Bumalangkas na ang mga opisyal mula sa senado at kamara ng mga panuntunan na dapat ipatupad sa special session bukas, July 22 para pag-usapan ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.
Ayon kay House Secretary-General Cesar Pareja, ang mga miyembro na aniya ng senado at kamara ang siyang mag-apruba sa kanilang binalangkas na panuntunan.
Sinabi naman ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, na maaari pa rin mapalitan ang napagkasunduang rules.
Aniya, hiwalay pa rin kasing aaralin ito ng committee on rules ng kamara at senado.
Sa umaga ng Sabado, bago isalang ang martial law extension, sa plenaryo na mismo babanggitin kung anuman ang inaprubahang rules para sa joint session.
Facebook Comments