Guidelines sa nalalapit na Eid’l Fitr, ilalabas na ng DILG

Maglalabas ng guidelines ang Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong nalalapit na taunang Eid’l Fitr o Feasts of Ramadan na magaganap sa May 25, 2020.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, hindi pa rin pahihintulutan ang anumang mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Titiyakin din aniya na masusunod ang proper health protocols kasama na ang social distancing.


Nabatid na una nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na regular holiday ang May 25, 2020 dahil sa Eid’l Fitr.

Ang Eid’l Fitr ay tatlong araw na ipinagdiriwang ng mga Muslim kung saan ginugugol nila ito ng pagdarasal, fasting at paghingi ng tawad sa kanilang mga kasalanan.

Facebook Comments