Lalaki, tinusok ang mata ng kapitbahay dahil umano sa maingay nitong manok

274
(Unsplash)

WEST VIRGINIA, USA – Humaharap sa kasong murder ang isang lalaki dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay matapos magtalo dahil sa maingay na manok.


Sa report ng International news agency Bluefield Daily Telegraph, hinuli ang suspek na si Richard Wayne Ellison, 47, nang aminin nito sa awtoridad ang ginawang pagpatay sa biktimang si Benny Foutch, 71.

“Lucifer made me do it,” ito raw ang sinasambit ni Ellison nang tanungin ng mga pulis.

Ayon sa imbestigasyon, nairita umano ang suspek dahil sa lakas ng tilaok ng alagang manok ng biktima rason para sugurin niya ito noong Linggo.

Paniniwala naman ng mga pulis, naunang pinatay ni Ellison ang manok bago magtungo sa bahay ng matanda at gawin ang krimen.

Sa inilabas na criminal complaint ni Detective-Corporal M.S. Horn ng Mercer County Sheriff’s office, naabutan ng mga rumesponde ang wala ng buhay na si Foutch habang duguan ang mga mata.

Agad nilang inaresto ang suspek na iginigiit namang nagawa niya lang ang krimen dahil nakakaistorbo ang maingay na manok sa kanyang panonood.




Kaugnay nito, isang pahayag ang binigay ng suspek na nagsasabing pinatay niya ang biktima dahil ipinag-utos daw ito ni Lucifer.

Makailang beses din daw itong nagmakaawa sa mga pulis na siya ay patayin na dahil yun naman daw ang nararapat.

Samantala, naisakdal na si Ellison at may piyansang $200,000 o P10,119,800.

Facebook Comments