Guidelines sa pagbabakuna ng edad 5-11, inilabas na ng DOH

Inilabas na ng Department of Health (DOH) ang guidelines para sa pediatric vaccination ng 5 hanggang 11 taong gulang.

Magsisimula ito sa February 4 sa National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, Manila Zoo, at iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay DOH USec. Maria Rosario Vergeire, kailangangang may kasamang magulang o guardian ang mga batang magpapabakuna dala ang anumang dokumentong magpapatunay ng relasyon ng kasama sa batang babakunahan tulad ng birth certificate o baptismal certificate.


Kinakailangan din aniyang magdala ng ID na may litrato ang magulang at batang babakunahan.

Kung sakaling hindi makakasama ang mga magulang ng bata, dapat magprisenta ng Special Power of Attorney (SPA) o notarized authorization letter ang kasama ng bata.

Kung wala namang kakayahang magpanotaryo ay maaaring humingi ng barangay certification na may pirma ng barangay captain.

Samantala, hindi naman tatanggap ng walk-in upang maiwasan ang pagdami ng tao sa mga health centers kung kaya’t dapat na magparehistro sa mga local government unit o pinakamalapit na vaccination centers.

Facebook Comments