Nakumpleto na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong guideline hinggil sa polisiya ng pagsusuot ng face shield.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, kung hindi ngayong araw ay posibleng bukas ilabas na ang mga bagong panuntunan.
Matatandaang ipinag-utos kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga open areas.
Habang pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko na magdala pa rin ng face shield dahil kailangan pa rin itong isuot kapag pupunta sa mga sarado at matataong lugar.
Facebook Comments