Guidelines sa undas, pagpupulungan pa ng IATF

83

Inaasahan na mapapabilang na sa mga susunod na agenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ang mga ipatutupad at iiral na guidelines para sa undas.

Pahayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, ilang linggo bago ang pagsisimula ng panahon ng undas sa bansa.

Ayon sa kalihim, siya mismo ang magpo-propose ng usaping ito sa darating na pulong ng IATF sa Huwebes.


Sinabi ni Secretary Roque na mahalaga na maaga pa lamang ay malaman na ng publiko ang mga ipatutupad na pag-i-ingat laban sa COVID-19, kasabay ng paggunita sa undas.

Nuong nakalipas na undas, isinara ang mga sementeryo upang hindi ito dagsain ng publiko na magdudulot ng super spreader event.

Facebook Comments