GUILTY | 3 pulis Calookan, hindi makakapag-avail ng parole

Hindi papayagang makapag-avail ng parole sina Police Officer 3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz habang bubunuin ang apatnapung taong pagkakabilanggo na hatol ni Judge Rodolfo Azucena ng Caloocan Regional Trial Court Branch 125.

Humagulgol ng iyak ang tatlong pulis makaraang maibaba ang parusang reclusion perpetua laban sa kanila.

Para sa kasong murder, pinagbabayad ang bawat isa ng tig 545,000.


100,000 civil damages, 100,000 sa moral damages, 45,000 sa actual damages at 100,000 exemplary damages.

Not guilty naman ang hatol ng korte sa iba pang kaso na isinampa laban sa tatlo partikular ang mga kasong pagtatanim ng baril sa crime scene at pagtatanim ng droga.

January 2018 nang maisampa ng panel of prosecutors ng DOJ ang mga kaso laban sa tatlong akusado.

Naging mabilis ang paghawak dito ng korte alinsunod sa utos ng Korte Suprema na pabilisin ang mga kaso na drug related.

Facebook Comments