Manila, Philippines – Hinatulang guilty ng hukuman ang mahigit 60 miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pagkidnap ng 52 opisyal, guro at estudyante sa Basilan noong 2000.
Sa desisyon ng Pasig Regional Trial Court branch 216, guilty sa kidnapping at serious illegal detention ang mga lider ng Abu Sayyaf Group kaya sila ay sinentensyahan ng habambuhay na pagkabilanggo.
Kasama sa mga kinasuhan noon sina Khadaffy Janjalani at Abu Sabaya na kapwa napatay sa operasyon ng militar.
Pinagbabayad ng halagang mahigit 9-million pesos ang bawat buhay na akusado bilang danyos sa 52 dinukot nila.
Taong 2000 nang dukutin ng abu sayyaf ang mga opisyal, guro at mag aaral ng Tumahubong Claret Elementary School sa Basilan.
Magugunitang umakyat pa sa kuta ng mga abu sayyaf ang aktor na si Robin Padilla para makipagnegosasyon kung saan unang pinakawalan ang 18 hostages kapalit ng 200 sako ng bigas pero pinatay pa rin nila sina Father Rhoel Gallardo at 3 lalaking guro na kasama sa mga bihag.