GUILTY | Palparan, ililipat sa Bilibid ngayong araw

Manila, Philippines – Ililipat na ngayon araw o sa Huwebes sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City si retired army major general Jovito Palparan Jr. na hinatulan ng Malolos-Regional Trial Court ng life imprisonment.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinumpirma mismo sa kanya ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr. na mula sa detention cell ni Palparan sa Army Custodial Center ay ililipat ito ngayon sa NBP.

Hinatulan ng life imprisonment ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos RTC si Palparan dahil sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang UP student noong 2006.


Facebook Comments